Ayuda sa Upa

Here to Stay
by Zeph Fishlyn for SFADC 2021
Hindi ka pa nakakabayad ng upa o ng utilidad? May tulong para sa iyo.
Idinagdag noong ika-8 ng September 2023
Mga nangungupahan sa San Francisco:
Mga natitirang proteksyon ng mga nangungupahan ungkol sa COVID ay mag-e-expire sa ika-29 ng Agosto. May karapatan ka pa rin. Ang pagpapaalis ay isang legal na proseso. Mayroong mga libreng klinika na tumutulong sa karapatan ng nangungupahan sa buong lungsod, at lahat ng mga nangungupahan sa San Francisco na nahaharap sa pagpapaalis ay may karapatan sa libreng legal na representasyon.
Kung nakatanggap ka ng anumang mga papeles sa pagpapalayas (mga dokumentong naglalaman ng mga salita tulad ng “summons” o “complaint” o “unlawful detainer”), mangyaring makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative nang personal, o pamamagitan gamit ang telepono sa 415-659-9184, o sa pamamagitan ng email legal@evictiondefense.org sa lalong madaling panahon.
Upang maghanda para sa pagtatapos ng pansamantalang proteksyon ng nangungupahan ng SF sa ika-29 ng Agosto, dapat tandaan ng mga nangungupahan ng SF na nahihirapang magbayad ng renta ang mga sumusunod na pagbabago sa proseso ng pagpapaalis.
Para sa upa na dapat bayaran bago ang ika-29 ng Agosto:
- Ang mga kasero ay hindi maaaring magpataw ng mga late fee na may kaugnayan sa pandemya.
- Maaaring gamitin ng mga nangungupahan ang mga papeles sa pagpapalayas dahil sa hindi pagbabayad, nahihirapang mag bayad dahil sa pandemya. Maaating gamitin ito bilang depensa laban sa isang Unlawful Detainer sa korte.
- Sa korte, dapat ipakita ng mga nangungupahan na ang utang ay dahil sa mga epekto ng pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng dokumentasyon tulad ng:
- mga pahayag sa bangko
- mga abiso sa pagtatapos ng trabaho
- mga medikal na bayarin
- paghahain ng unemployment insurance
- mga bayarin sa pag-aalaga ng bata o matatanda
- mga abiso sa paglipat ng kasama sa bahay
Para sa upa na dapat bayaran pagkatapos ng Agosto 29:
- Maaaring ipagpatuloy ng mga kasero ang pagpapataw ng mga late fee para sa hindi pagbabayad, kung ito ay bahagi ng kasunduan sa pag-upa.
- Hindi na magagamit ng mga nangungupahan ang hindi pagbabayad ng upa dahil sa pandemya bilang depensa laban sa pagpapa-alis.
Saan ako makakakuha ng tulong para intindihin ang proseso ng pag-aaplay?
May buong listahan ng mga lokal na organisasyon makakatulong sa iyo sa pag-aplay sa programa ng Estado dito. Ang mga sumusunod na organisasyong ka-alyado ng SFADC organizations ay maaaring sagutin ang iyong mga tanong at ipaliwanag ang proseso, at may ilan din na maaaring makatulong sa iyo sa pag-aplay at pag-sumite ng aplikasyon.
- Bill Sorro Housing Program (BiSHoP): 415-513-5177, counseling@bishopsf.org. Mga Wika: Ingles, Español, Arabo. Maaari silang tumulong sa pagsumite ng aplikasyon.
- Chinatown Community Development Center: 415-984-2749. Mga Wika: Cantonese at Mandarin. Maaari silang tumulong sa pagsumite ng aplikasyon, kabilang ang pagsagot sa aumang tanong na angkop sa aplikasyon.
- La Voz Latina/ Catholic Charities: makakatulong sa personal sa 456 Ellis, tumawag sa 415-983-3970 o mag-email sa emergencyprogram@catholiccharitiessf.org para gumawa ng appointment. Languages: Ingles, Español. Maaaring tumulong sa pagsumite ng aplikasyon.
- SOMCAN: Para gumawa ng appointment, tumawag sa 415-552-5637, mag email sa tenantcounselor@somcan.org, o bisitahin ang https://SOMCANscheduling.as.me/. Mga Wika: Ingles, Filipino. Maaari silang tumulong sa pag-sumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng appointment online o sa opisina. Hindi maaaring pumunta sa opisina ng walang appointment.