Ayuda sa Upa

Here to Stay

Here to Stay
by Zeph Fishlyn for SFADC 2021

Hindi ka pa nakakabayad ng upa o ng utilidad? May tulong para sa iyo.

Idinagdag noong Mayo 2023

Mga nangungupahan sa San Francisco:

Hindi ka nag-iisa! Kung hindi mo mabayaran ang iyong upa, maaaring magkaroon ng tulong. Para sa tulong sa pagbabayad ng renta, bisitahin ang sferap.com. Matuto nang higit pa tungkol sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa pamamagitan ng pagbisita sa sf.gov/renthelp at sf.gov/information/rent-relief-resources. Mayroong mga libreng klinika na tumutulong sa karapatan ng nangungupahan sa buong lungsod, at lahat ng mga nangungupahan sa San Francisco na nahaharap sa pagpapaalis ay may karapatan sa libreng legal na representasyon.

Ang pagpapaalis ay isang legal na proseso at lahat ng nangungupahan sa San Francisco ay may karapatan sa libreng legal na representasyon. Kung nakatanggap ka ng anumang mga papeles sa pagpapalayas (mga dokumentong naglalaman ng mga salita tulad ng “summons” o “complaint” o “unlawful detainer”), mangyaring makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative sa pamamagitan ng pag-email sa legal@evictiondefense.org o pagtawag sa 415-659-9184. Bukas rin para sa personal na pakikipagpanayam ang kanilang opisina sa 976 Mission Street tuwing Lunes, Martes, Miyerkules at Biyernes mula 10-11:30am hanggang 1-2:30pm.

Mga Madalas Tanungin

Maaari kang maging kwalipikado sa tulong mula sa SF ERAP kung nangungupahan ka sa San Francisco, ang sahod ng sambahayan ay nasa o mababa sa 50% ng Area Median Income (AMI), at nagpapakita ng panganib na mapalayas o mawalan ng tirahan dahil sa kagipitang pinansyal gaya ng pagkawala ng sahod. Hindi alintana ang katayuan sa imigrasyon upang makakuha ng ayuda at hindi ito kinikilala bilang “public charge”.

Ang SF ERAP ay tumutulong sa nakalipas na rentang hindi nababayaran, limitadong pang-kinabukasang renta, at security deposit at/o una at huling buwan ng renta para sa tirahang binabalak na lipatan. May ilang mga uri ng subsidized na pabahay na hindi kwalipikado para sa pang-kinabukasang renta at tulong pinansyal para sa paglipat. 

Ang Season of Sharing Fund ay tumutulong sa pabahay (renta o mortgage, una at huling buwan na deposito) at iba pang mga kritikal na pangangailangan gaya ng pagbabayad ng mga utilities para sa mga sambahayan na humaharap nang mga hindi inaasahang pagsubok.

Huwag lumipat! Ang pagpapaalis ay isang legal na proseso at ikaw ay may karapatan sa libreng tulong. Kung ikaw ay ginugulo ng iyong kasero/a, inuudyok na pumira ng dokumento, o sinasabihang lumipat, agapang makipagpanayam sa mga tenant rights na grupo

 

Kung nakatanggap ka ng anumang mga papeles sa pagpapalayas (mga dokumentong naglalaman ng mga salita tulad ng “summons” o “complaint” o “unlawful detainer”), mangyaring makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative sa lalong madaling panahon.

 

Depende sa petsa ng iyong utang sa upa, may iba’t ibang mga proteksyon na posibleng ma-aplay:

  • Para sa mga renta mula Marso 1 – Agosto 31, 2020: Ipinagbabawal ng AB 832 ang pagpapalayas dahil sa hindi pagbabayad ng upa sa panahong ito. Hindi ka mapapalayas ngunit maaari kang kasuhan sa korte ng “small claims” simula Nobyembre 21, 2021 para sa mga upang hindi pa rin nababayaran. Dapat kang magbigay ng pirmadong deklarasyon sa iyong kasero/a bilang tugon sa kanilang 15-day notice.
  • Para sa mga renta mula Setyembre 1, 2020 – Setyembre 30, 2021: Ipinagbabawal ng AB-2179 ang pagpapalayas dahil sa hindi pagbabayad ng upa sa panahong ito basta’t nakapagbigay ka sa iyong kasero/a ng pirmadong deklarasyon bilang tugon sa kanilang 15-day notice(s), AT nakapagbayad ka hanggang Setyembre 30 nang kahit 25% ng iyong lumipas na renta mula sa panahong ito.
  • Para sa mga renta mula Hulyo 1, 2022 – Agosto 29, 2023: Alinsunod sa lokal na moratoriyum, kung ikaw ay kinasuhan ng pagpapalayas dahil sa hindi pagbabayad ng upa na nakatakda nang Hulyo 1, 2022 – Agosto 29, 2023, maaaring dumepensa at manalo ang nangungupahan kung makapagbigay sila ng ebidensya sa korte na hindi nabayaran ang upa dulot ng pandemyang COVID-19.

Dapat kang mag-aplay sa lokal na programang tumutulong sa renta. Nag-aalok rin ang Bay Legal ng klinika ukol sa utang/hindi bayad na renta tuwing ika-apat na biyernes ng bawat buwan. Kinakailangang mag-RSVP: Tumawag sa 415-982-1300 upang mag-RSVP at makakuha ng detalye ukol sa lokasyon at oras.

Hindi.  Hindi ka tatanungin tungkol sa iyong katayuan sa imigrasyon. Ang tulong mula sa programang ito ay hindi kinikilala bilang “public charge” para sa mga nag-aaplay ng green card. Alamin pa ang tungkol sa mga kwalipikasyon ng iba’t ibang pampublikong programa na may kinalaman sa katayuan ng imigrasyon dito.

Hindi kinakailangan ang mga dokumento para mapatunayan ang sahod o gastusin. Ang isang tagapayo ng nangungupahan ay maaaring makatulong sa iyo sa paggawa ng angkop na forms.  

Pinapayagan ang mga subtenant na mag-aplay sa SF ERAP, kahit hindi
sangkot ang master tenant.

Oo. Kung itinuturing na magkahiwalay ang inyong sambahayan sa pinansyal na aspeto (gaya ng paghahain ng buwis o para sa pag-aaplay sa iba pang mga benepisyo), maaari rin kayong mag-aplay nang magkahiwalay para sa ayuda sa upa.

Maaari kang mag-aplay at maging kwalipikado sa ayuda sa upa kahit pa itinayo ang iyong yunit nang may permit o wala. Ang impormasyon na iyong ipapahayag ay hindi
gagamitin sa ibang dahilan.

Oo. Ngunit, may pagkakaiba ang mga tuntunin at kinakailangan para sa kwalipikasyon sa iba’t ibang mga pabahay na tinutustusan at mga programang pang-abot kayang
pabahay. Makipag-ugnayan sa mga SF ERAP case managers o bisitahin ang website ng SF ERAP para sa karagdagang impormasyon. SF ERAP Helpline – (415) 653-5744 o
help@sferap.org