Makipag-ugnayan sa amin!
Huwag magpahuli sa balita at sundan kami sa social media. Kung mayroon kang tanong o nais mag-volunteer or makipag-ugnayan, mangyaring padalahan kami ng email.
Misyon at Liga
Ang San Francisco Anti Displacement Coalition ay isang liga ng mga organisasyong naglilingkod sa mga nangungupahan at kaalyadong nagkakaisa laban sa tumataas na bilang ng kasong pagpapalayas at ang pagtaas ng upa sa ating lungsod, na naging sanhi ng pagpapaalis sa libu-libong nangungupahan sa San Francisco.
- Naniniwala kami na ang lahat ng nangungupahan ay may karapatan sa ligtas, siguarado, at abot-kayang tahanan. Sinusuportahan namin ang mga pampublikong pamamalakad na angkop sa pagprotekta ng ganitong karapatan.
- Naniniwala kami na ang pagkaganid ng mga espekulador sa real estate ay nagpapalala sa kalagayan ng mga barangay, komunidad, at ekonomiya. Sinusuportahan namin ang regulasyon para labanan ang anumang pagkaganid ng mga espekulador ng real estate.
- Naniniwala kami na ang kinabukasan ng San Francisco ay mananatiling samu’t lahi, makulay, at malikhain na ayon sa kakayahan na maprotektahan ang mga nangnungupahan laban sa pagpapaalis. Naniniwala din kami na hindi mawawala ang mga katangian sa bawat barrio, para sa ikauunlad ng lipunan at ekonomiya.
- Nakatuon kami sa pagsasaunlad ng sama-samang tulungan sa pag-aksyon ng panlipunang pagbabago para ipatupad ang mga ganitong kabuluhan at pamamalakad.
Binuo ang SFADC noong 2013 para aksyunan ang patuloy na pagtaas ng mga kasong pagpapalayas at panliligalig mula sa mga kasero(a) na naging sanhi ng sapilitang paglikas ng libu-libong nangungupahan sa kanilang mga tahanan at barangay. Sama-sama kami sa pagsuporta sa panukalang balota na dagdagan ang buwis sa tinatawag na ‘flipping’ o biglaang pagtaas ng presyo ng mga gusaling apartment na nagpapalala sa krisis ng pabahay. Ang tinatawag na ‘speculator tax’, ay nagsilbing inspirasyon mula sa orihinal na panukala ni sa dating superbisor na si Harvey Milk, bago kinitil ang kanyang buhay. Ang panukalang ito ay idinisenyo para patatagin ang pabahay sa ating lungsod. Layunin nito na gawing mas abot-kaya ang pabahay sa San Francisco para sa mga nangungupahan na nais manitili at gawing tahanan ang ating lungsod, imbes na pagkakitaan ng mga taga-bangko at ng mga espekulador ang biglaang pagtaas ng presyo sa mga nangungupahan at nagmamay-ari ng bahay. Simula noon, nagwagi at nakamit namin ang ilang bagong proteksyon para sa mga nangungupahan, katulad ng ilang mahalagang pagbabago at karagdagan sa pagkontrol ng upa, pang-emerhensiyang proteksyon sa gitna ng krisis ng COVID, at malakihang buwis sa mga higanteng kasero(a) para pondohan ang ayuda sa upa at panlipunang pabahay.
Coalition
The SFADC is comprised of the following organizations:
- Affordable Housing Alliance
- AIDS Housing Alliance
- Alliance of Californians for Community Empowerment
- Anti-Eviction Mapping Project
- Asian Law Caucus: Asian Americans Advancing Justice
- Bill Sorro Housing Program
- Causa Justa/Just Cause
- Chinatown Community Development Center
- Community Tenants Association
- Council of Community Housing Organizations
- D8 Democrats
- Eviction Defense Collaborative
- Eviction Free San Francisco
- Harvey Milk Democratic Club
- Hospitality House
- Housing Rights Committee of San Francisco
- Jobs with Justice
- Mission Economic Development Agency
- Mission SRO Collaborative
- People Power Media
- San Francisco Tenants Union
- San Francisco League of Pissed Off Voters
- San Francisco Rising Alliance
- Senior & Disability Action
- South of Market Community Action Network
- Tenants Together
- Tenderloin Housing Clinic
- TODCO
- And volunteers from all walks of life.