Mga Gawain + Pagsasaliksik
Ipinaglalaban sa San Francisco Fights ang Karapatan ng Nangungupahan
Para sundan at sumali sa mga rally tungkol sa patuloy na paglaban sa karapatan ng nangungupahan sa San Francisco, bisitahin ang Facebook page ng SF ADC kung saan kami ay nagpo-post ng mga kaganapan at patalastas.
Pagsasanay ng Counselor Network
Nag-oorganisa kami ng patuloy na libreng pagsasanay sa mga tagapayo ng mga nangungupahan sa San Francisco, sa pamumuno ng iba’t ibang tagapayo sa mga makabuluhang isyu na umaapekto sa mga nangungupahan sa San Francisco. Makipag-ugnayan sa amin kung nais mong sumaling sa ganitong pagsasanay.
Mga Balita
Krisis ng Pagpapalayas sa San Francisco
Ang krisis ng pabahay at pagiging abot-kaya nito sa San Francisco ay matagal nang lumalala. Subalit, pinapatunayan ng mga bagong datos at ulat na magiging malala pa ito. Ayon sa bagong datos ng Rent Board, tumaas ang mga bilang ng napapalayas na nangungupahan sa loob ng isang dekada. Ayon sa pinagsamang ulat na isina publiko at hindi pa binabalita ng Rent Board, sinusuri nila ang uri at sanhi ng pagpapalayas ng mga nangungupahan sa kani-kanilang tahanan. Sinusuri rin namin ang mga nakaraang pagpapalayas at pinag-uusapan kung paano inaabuso ng mga kasero(a) ang mga gusot sa ordinansa ng rent control sa ating lungsod, para lamang palayasin ang mga inosenteng nangungupahan. Tinitiyak namin na maibunyag pa ang iba’t ibang kuwento ng mga nangungupahan na naapektuhan ng suliraning ito. Higit sa lahat, may ini-uulat kami sa kinabukasan. Ayon sa kasalukuyang suliranin at sa mabusising pag-responde sa isyung ito, sa kasamaang palad tataas pa ang mga datos ng pagpapalayas sa taon na ito, na magiging sanhi ng mas malawakang pagpapaalis ng mga nangungupahan.
Ang Malubhang Sanhi ng Costa Hawkins
Sinusuri ng ulat na ito ang malubhang epekto ng Costa Hawkins Rental Housing Act, ang batas kung saan may limitasyon ng rent control sa buong California. Kabilang dito ang kasaysayan kung paano ito naisabatas at ang mga kuwento mula sa nangungupahang naapektuhan ng batas na ito. Kasapi ng ulat na ito ay mabusising pagsusuri ng datos na nagdedetalye ng epekto ng pang-estadong batas na ito ang kakahayan ng San Francisco at ibang lungsod para patatagin ang upa at agapan ang pagpapalayas ng mga matagal nang nangungupahan.