Karamihan sa mga organisasyon ay inilipat ang pagpapayo sa pamamagitan ng telepono o appointment sa telepono kung kinakailangan. Maaring basahin ang listahan sa ibaba para matuklasan kung paano makipag-ugnayan sa mga organisasyon ng pagpapayo at legal na serbisyo para sa nangungupahan. Maaring bisitahin ang kanilang websites para sa pinaka sariwang impormasyon.
Mga Organisasyong Nagpapayo sa Nangungupahan
Mga Ibang Serbisyo (abangan)
SAN FRANCISCO RENT BOARD: Para sa Pagpapayo sa Telepono, tumawag sa (415) 252-4631 Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.. Para sa paghain ng dokumento na may konting pahina, kabilang ang aplikasyon sa tenant hardship, maaring i-scan at i-attach ang mga dokumento sa PDF format at ipadala ito sa: rentboard.311@sfgov.org or i-fax sa (415) 252-4699. Paki banggit ang iyong buong pangalan, numero ng telepono, kasalukuyang address at email address (kung mayroon).
BILL SORRO HOUSING PROGRAM (BiSHoP) Para ito sa humihingi ng tulong sa pag-apply at pag-hain ng affordable housing applications o impormasyon tungkol sa karapatan ng nangungupahan. Ang pagpapayo ay sa pamamagitan lamang ng telepono: Tumawag sa (415) 513-5177 or mag-email sa info@bishopsf.org. Paki iwan po ang iyong pangalan, numero ng telepono, ang dahilan ng iyong pagtawag at ang oras para tawagan kang muli. May isang housing counselor na makikipag-ugnayan sa iyo.
Mga Wika: Ingles, Tagalog, Español, Frances at Arabo.
HOUSING RIGHTS COMMITTEE OF SF (HRCSF) Ang pagpapayo ay sa pamamagitan lamang ng telepono: Tumawag sa numerong nakalista sa ibaba at mag-iwan ng mensahe kasama ang iyong pangalan, numero ng telepono, at ibahagi sa amin kung ikaw ay nangungupahan sa HUD o nakakatanggap ng Section 8 at isang maikling mensahe tungkol sa iyong situwasyon:
Opisina sa Mission – (415) 703-8634 (Oras ng Tawagan: ala-1 hanggang alas-4 ng hapon. Lunes-Huwebes)
Mga Wika: Ingles, Español, Cantonese at Mandarin
Opisina sa Westside – (415) 947-9085 (Oras ng Tawagan: alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Lunes, Miyerkules-Biyernes; sarado tuwing Martes)
Mga Wika: Ingles, Russo, Cantonese at Mandarin
SAN FRANCISCO TENANTS UNION (SFTU) Wala munang pagpapayo sa personal. Ang mga miyembro ng SFTU ay inaabisong tumawag gamit ang numero na para sa miyembro lamang. Ang mga hindi-miyembro ay dapat kumpletuhin ang form na ito. Ang form ay maibabalik sa iyong email address (kadalasan, matatanggap mo ito sa loob ng 10 minuto)-- at i-email mo ang natanggap na form sa info@sftu.org. Isang volunteer na tagapayo ay kadalasang makikipag-ugnayan sa iyo sa susunod na araw, kabilang ang weekends.
SOUTH OF MARKET COMMUNITY ACTION NETWORK (SOMCAN): Oras ng Pagpapayo: Ang pagpapayo ay sa pamamagitan lamang ng telepono. Lunes hanggang Biyernes, alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa pamamagitan lamang ng appointment. Kailangan i-schedule ang appointment isang araw bago ang iyong ninanais na appointment. Para gumawa ng appointment, tumawag/ mag-text sa (650) 273-6713. Maari din gumawa ng appointment dito o mag-email sa tenantcounseling@somcan.org. Paki banggit ang iyong pangalan, numero ng telepono, at maikling mensahe tungkol sa iyong situwasyon.
Mga Wika: Ingles at Tagalog
TENDERLOIN HOUSING CLINIC CEOP PROGRAM Ang mga appointment sa personal ay makakamit lamang pagkatapos ng pagkonsulta sa telepono. Mag iwan ng mensahe sa (415)775-7110 ext.: 1702 o magpadala ng email sa allyn@thclinic.org Paki iwan ang iyong pangalan, numero ng telepono at maikling mensahe tungkol sa iyong situwasyon.
Mga Wika: Ingles at Español
CENTRAL CITY SRO COLLABORATIVE Ang Central City SRO Collaborative at La Voz Latina ay nag-aasikaso ng appointments sa personal pagkatapos ng pagkonsulta sa isang miyembro ng staff sa telepono. Tumawag sa (415) 983-3970 (La Voz) o (415) 775-7110 (CCSROC).
Mga Wika: Ingles at Español
CHINATOWN SRO COLLABORATIVE Mayroon paring In-person clinic, ngunit tumawaga muna dito: 415-984-2728. Paki iwan ang iyong pangalan, numero ng telepono at may tagapayo na tatawag sa iyo. Para Makipag-tagpo sa Counselor sa Personal: Drop-in clinic tuwing Lunes, alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at Huwebes alas 10 y media ng umaga hanggang alas-2 y media ng hapon. 663 Clay Street San Francisco
Mga Wika: Cantonese, Mandarin at Ingles.
MISSION SRO COLLABORATIVE Para sa karaniwang suporta o referral tumawag sa 415.282.6209 EXT 150.
Mga Wika: Ingles at Español
EVICTION DEFENSE COLLABORATIVE (EDC) Hanggang sa susunod na abiso, ang walk-in clinic ng EDC kabilang ang RADCo ay eksklusibo muna sa mga nangungupahan na nakatanggap ng Summons at Reklamo o Abiso ng Pagpapalayas mula sa Sheriff. Kung ikaw ito, paki dala ang mahalagang dokumento sa 1338 Mission Street; ika-4 na palapag, San Francisco mula Lunes–Biyernes, alas 9-alas 11 ng umaga at ala 1-alas 3 ng hapon. Para sa tulong ng RADCo (rental assistance), tumawag sa (415) 470-5211 o mag-email sa EDCRADCo@evictiondefense.org. Paki iwan ang iyong: pangalan, numero ng telepono at address. May staff member mula sa RADCo na tatawag sa iyo sa lalong madaling panahon.
Mga Wika: Ingles, Español, Tsino.
API LEGAL OUTREACH (APILO) Hanggang sa susunod na abiso, pansamantalang sarado muna ang aming opisina, ngunit kami ay nagtatrabaho sa labas ng opisina. Sa kasalukuyan, tumawag sa (415) 567 6255 o (510) 251 2846. Madalas namin binabantayan ang mga tawag kada araw.
Mga Wika: Ingles, Tagalog, Español, Tsino, Vietnamese, Japones at Koreano.
LEGAL ASSISTANCE FOR THE ELDERLY Sa pamamagitan lamang ng appointment. Kung kailangan mo ng legal na tulong, tumawag sa (415) 538-3333. Kung ikaw ay kasalukuyang cliente dito, paki tawagan ang iyong advocate para sa direktang tulong. Kung ikaw ay bagong cliente, mag iwan ng mensahe at tatawagan namin kayo sa kaagad sa aming makakaya. Uunahin muna namin ang mga sumusunod na situwasyon: pagpapalayas; abiso ng pagputol o pagtigil ng benepisyo; abiso sa pagputol ng rental subsidies; mga restraining order para protektahan ang mga nakakatanda.
Mga Wika: Ingles, Cantonese, Mandarin, Español at Russo.
OPEN DOOR LEGAL Ang opisina sa Excelsior na nasa 60 Ocean Avenue ay mananatiling bukas. Ngunit, ang mga opisina sa Bayview at Western Addition ay sarado. Kung kailangan mo ng legal na tulong , kumpletuhin ang online screening form imbes na mag walk-in para kumpletuhin ang form.
TENDERLOIN HOUSING CLINIC (THC) Ang mga nangungupahan na kailangan ng tulong ay dapat tumawag sa 415-771-9850 para sa in-take phone interview para suriin kung matutulungan ka ng isang abogado sa THC.